Manila, Philippines- Nagmistulang guessing game kung sino sa mga aktres ngayon ang nagdadalantao na.
Ang clue–sa wakas daw ay nasa interesting stage na ito makaraan ng ilang taon of being married.
So, maagap naman ang mga wild guessers.
Lumutang ang mga pangalan ni Sarah Geronimo.
lang taon na nga namang mag-asawa sina Sarah at Matteo Guidicelli.
And for sure, ang magiging susi sa ganap na pagkakasundo between Sarah and her parents ay ang time na mabibigyan na ng singer-actress ng apo ang mga ito.
Bukod kay Sarah ay hinulaan ding si Karylle ang preggy ngayon by her hubby Yael Yuzon.
After all, they’ve also been married for a couple of years.
So, sino kina Sarah at Karylle?
Apparently, mukhang wala sa mga nabanggit if only for this important clue.
Ang sinasabi kasing nasa kagampan sa kasalukuyan ay isang aktres na nagbigay ng karangalan sa bansa.
Ang ending–there can be no other actress that fits the description than Megan Young.
Taong 2013 nang koronahang Miss World si Megan.
It’s also about time she got heavy with a child.
After all, January 2020 pa nang ikasal sina Megan at Mikael Daez.