Home HOME BANNER STORY 71% ng Pilipino kuntento sa miyembro ng Kamara — sarbey

71% ng Pilipino kuntento sa miyembro ng Kamara — sarbey

97
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Deputy Speaker Jay Khonghun ng Zambales, nananatiling mataas ang kasiyahan ng publiko sa mga miyembro ng House of Representatives, kung saan humigit-kumulang 7 sa 10 Pilipino ang nagsabing kuntento sila sa kanilang district representatives batay sa WR Numero Research survey.

Sa March 2026 Philippine Public Opinion Monitor, lumabas na 71% ng mga respondents ang nagsabing satisfied sila sa performance ng kanilang lokal na kinatawan sa Kongreso.

Ayon din sa survey, ang House of Representatives sa pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ay nakakuha ng 35% “mahusay” performance rating, habang 30% ang undecided at 35% ang dissatisfied.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,455 adult Filipinos mula Marso 10 hanggang 17, na may ±3% margin of error sa 95% confidence level.

Ayon kay Khonghun, mas mahalaga umano ang mataas na satisfaction sa district level dahil ito ang direktang nararamdaman ng mga constituents sa serbisyo ng kanilang mga kinatawan tulad ng tulong medikal, pinansyal, at mga proyekto sa komunidad.

“The 71 percent satisfaction rating shows that, beyond national perception, our constituents feel the presence and service of their representatives in their daily lives,” ani Khonghun.

Dagdag pa niya, ang paghahati ng opinyon sa institutional level ay nagpapakita na may bahagi pa ng publiko na hindi pa tiyak ang kanilang pananaw sa performance ng Kongreso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here