Home NATIONWIDE PBBM, buong tiwala pa rin sa Sandatahang Lakas, sa kabila ng impormasyong...

PBBM, buong tiwala pa rin sa Sandatahang Lakas, sa kabila ng impormasyong hired assassin ni VP Sara mula sa AFP

91
0

MANILA, Philippines – Buong-buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na lumitaw sa pagdinig ng House Committee on Justice na ang hired assassin di umano na nakausap ni Vice President Sara Duterte para itumba di umano sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez ay isang aktibong miyembro ng AFP.

“Sa mga aktibong miyembro po ng AFP, ang tiwala po ng Pangulo ay buong-buo,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Sa pagdinig ng House Justice Committee, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na posibleng miyembro ng AFP ang isa sa mga kinausap di umano ngn Bise-Presidente para patayin ang Pangulo kapag may masamang nangyari sa kanya.

“Kung sino man ang tinutukoy ni NBI Director, Atty. Matibag, na maaaring parte ng security ng Bise Presidente, hayaan na lamang  po natin silang magtrabaho, dahil baka po, hindi kinakailangan lang i-detalye kung ano po ang kanilang in-operate,” ang sinabi ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here