Home HOME BANNER STORY 713 pamilya inilikas sa malaking sunog sa Delpan

713 pamilya inilikas sa malaking sunog sa Delpan

33
0

MANILA, Philippines – Inilikas ang nasa 713 pamilya sa nangyaring malaking sunog sa Parola, Binondo, Manila nitong Sabado, Mayo 23.

Ayon sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) ay nagpapatuloy ang validation sa mga pamilyang dinala sa Delpan Evacuation Center.

Sinabi ni MDSW Director Jay Dela Fuente na 9:33 ng gabi ng Sabado, ay nasa 713 pamilya na ang naitalang apektado ng sunog.

Kabilang sa agarang aksyon ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pagtanggap at pag-aasikaso sa mga pamilyang pansamantalang tumutuloy sa Delpan Evacuation Center.

Naghain na rin ng mga pagkain at iba pang paunang tulong ang lungsod para sa mga nasunugan.

Nakaabang naman ang lokal na pamahalaan para masiguro ang kaligtasan at pangangailangan ng mga apektadong residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here