Home HOME BANNER STORY Peace proposal tinitimbang ng Iran, US inakusahan ng ‘excessive demands’

Peace proposal tinitimbang ng Iran, US inakusahan ng ‘excessive demands’

37
0

IRAN — Inakusahan ng Iran ang Estados Unidos ng paggawa ng “excessive demands” habang patuloy na pinag-aaralan ng Tehran ang pinakabagong peace proposal kaugnay ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ito’y kasabay ng mga ulat mula sa US media na ikinokonsidera umano ng White House ang panibagong military strikes laban sa Iran.

Ayon sa Iranian media nitong Sabado, Mayo 23, sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi sa pakikipag-usap kay United Nations Secretary-General Antonio Guterres na nananatiling bukas ang Iran sa diplomasya sa kabila ng umano’y paulit-ulit na “betrayal” at military aggression ng Estados Unidos.

Binatikos din niya ang sinasabing “contradictory positions and repeated excessive demands” ng Washington.

Samantala, iniulat ng Axios at CBS News na pinag-aaralan ng White House ang posibilidad ng panibagong pag-atake sa Iran, bagama’t wala pa umanong pinal na desisyon.

Nauna nang nagbabala ang US officials na maaaring muling kumilos laban sa Iran kapag nabigong maabot ang isang kasunduan.

Ayon kay US Secretary of State Marco Rubio, may “some progress” naman umano sa negosasyon ngunit hindi pa sapat upang tuluyang maresolba ang sigalot.

“We’re dealing with a very difficult group of people. And if it doesn’t change, then the president’s been clear he has other options,” ani Rubio.

Nag-ugat ang tensyon matapos ang US-Israeli strikes laban sa Iran noong Pebrero 28 na humantong sa paglala ng sigalot sa Strait of Hormuz — isang mahalagang ruta ng pandaigdigang suplay ng langis.

Dahil dito, naapektuhan ang global economy at tumaas ang presyo ng langis sa iba’t ibang bansa.

Samantala, dumating sa Tehran nitong Biyernes si Pakistan army chief Asim Munir upang tumulong sa mediation efforts.

Nakipagpulong siya kay Araghchi upang talakayin ang mga hakbang para maiwasan ang karagdagang paglala ng sitwasyon.

Ayon sa official IRNA news agency, tinalakay ng dalawang opisyal ang “latest diplomatic efforts and initiatives aimed at preventing further escalation.”

Gayunman, sinabi ni Iranian foreign ministry spokesman Esmaeil Baqaei na hindi pa ito nangangahulugan na may breakthrough na sa negosasyon dahil nananatili pa rin umano ang malalalim na hindi pagkakasundo.

“In recent days, many countries – both regional and non-regional – have been trying to help bring the war to an end … However, Pakistan remains the official mediator,” ani Baqaei.

Bukod sa Pakistan, nakipagpulong din umano ang delegasyon mula Qatar sa Iranian foreign minister nitong Biyernes bilang bahagi ng diplomatic efforts upang wakasan ang sigalot. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here