Home METRO 72 durugista, 71 wanted, 7 armado nalambat sa Bulacan ops

72 durugista, 71 wanted, 7 armado nalambat sa Bulacan ops

1
0

BULACAN – Arestado ang 72 indibiduwal habang nakakumpiska ng P1,030,268.00 halaga ng iligal na droga sa isang linggong buy-bust operation ng pulisya sa ibat-ibang lugar sa lalawigang ito.

Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office, isinagawa nila ang 43 operasyon mula Oktubre 4 – 10 na nakahuli ng 72 drug suspects at nakasamsam ng 151.51 gramo ng shabu na may halagang P1,030,268.00.

Samantala, 10 most wanted person, 61 other wanted person ang naaresto rin sa 70 operasyon ng mga awtoridad sa kanilang kampanya kontra sa mga taong tinutugis ng batas.

Kaugnay nito, pito ang nahuli nang mahulihan ng baril sa pitong operasyon kontra loose firearms sa kaparehong petsa sa ibat-ibang lugar ng lalawigang ito.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso na nasa kustodiya ng himpilang humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here