Home NATIONWIDE “Wala ba tayong natutunan”: Erice, no to 2027 Budget, tinutulan political patronage,...

“Wala ba tayong natutunan”: Erice, no to 2027 Budget, tinutulan political patronage, maling prayoridad

2
0

MANILA, Philippines – Bumoto laban sa pagpasa ng 2027 General Appropriations Bill (GAB) si Caloocan City 2nd District Representative Edgar “Egay” Erice na inilarawan niya ito bilang isang badyet na nagbibigay-pabor sa mga kaalyadong politiko, nagpaparusa sa mga kritiko, at nagpoprotekta sa political interests sa kapinsalaan ng mga ordinaryong Pilipino.

“Mahiya naman kayo! Those were President Marcos’ own words during his 2025 State of the Nation Address. Today, I am ashamed before the Filipino people because, despite the corruption scandals and questionable budget insertions of previous years, we appear to have learned nothing,” pahayag ni Erice.

“While millions of Filipinos struggle with poverty, hunger, inadequate health care, and deteriorating public services, the political feast continues. This is becoming a budget for politicians and political dynasties rather than a budget for national development,” dagdag niya.

Binanggit ni Erice ang limang pangunahing dahilan ng kanyang negatibong boto:

Una, ang hindi patas na alokasyon ng mga distrito at questionable budget amendments. Kinuwestiyon ni Erice ang mga pagbabagong ipinakilala sa pamamagitan ng House budget amendment process na binanggit na ang mga distritong nakatanggap na ng bilyun-bilyon ay tila nakatanggap ng karagdagang alokasyon habang ang mga distrito na hindi gaanong pinondohan ay dumanas ng karagdagang pagbawas.

“This is not budgeting by need. This is budgeting by political influence,” aniya.

Inihayag niya na ang kanyang distrito sa Caloocan ay nakatanggap ng humigit-kumulang ₱269 milyon na alokasyon para sa mga proyekto ng DPWH, kumpara sa bilyun-bilyong pondong inilaan sa ilang iba pang distrito. Nanawagan siya ng ganap na pag-uulat hinggil sa mga pagbabagong ginawa, kabilang na kung naimpluwensyahan ba ang mga alokasyon ng partidong kinabibilangan ng mga mambabatas at ng kanilang mga paninindigan sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Kinuwestiyon din niya ang pagpapalit o pagbabawas sa mga proyektong dati nang nakapaloob sa National Expenditure Program kapalit ng mga bagong proyekto na hindi malinaw ang mga nagpanukala at ang teknikal na katwiran sa likod ng mga ito.

Pangalawa, ang kawalan ng transparency sa badyet ng Kamara. Binatikos ni Erice ang pagbasura sa panukalang amyenda ni Rep. Toby Tiangco ukol sa transparency at humiling ng paglilinaw sa mga ulat na nagsasabing ang ilang mambabatas na sumuporta sa impeachment ay nakatanggap ng karagdagang ₱20 milyon sa MOOE, habang wala namang natanggap ang mga bumoto laban dito o hindi lumahok sa botohan.

“If these reports are false, release the records. If they are true, explain the basis. Public funds must never become loyalty bonuses,” sabi ni Erice.

Pangatlo, ang napakalaking Local Government Support Fund. Inilarawan ni Erice ang humigit-kumulang ₱58.5-bilyong proposed LGSF bilang isang presidential pork barrel na nangangatwiran na ang labis na diskresyon ng ehekutibo sa mga benepisyaryo ng LGU, mga halaga, proyekto, at mga paglabas ng pondo ay nagtataas ng serious constitutional questions involving Congress’ power of the purse.

Nagbabala siya na ang pondo ay maaaring maging instrumento ng patronage sa politika bago ang 2028 elections.

Pang-apat, ang mga maling prayoridad sa paggastos. Tinutulan ni Erice ang mga pagbawas o hindi sapat na alokasyon na nakakaapekto sa mga silid-aralan, pagpapakain sa paaralan, mga serbisyong pangkalusugan, at mga pangunahing proyekto sa imprastraktura, lalo na habang nananatili ang malaking discretionary appropriations.

“How can we justify inadequate funding for hungry children, patients, and essential public services while protecting billions in politically vulnerable funds?” tanong niya.

Panglima, ang mga hindi makatotohanang pagtataya sa ekonomiya at kita. Kinuwestiyon ni Erice ang inaasahang koleksyon ng kita ng pamahalaan na nagkakahalaga ng ₱5.2 trilyon para sa taong 2027, na umaasa sa malaking pagbangon ng ekonomiya sa kabila ng mabagal na paglago nito noong 2026. Nagpahayag din siya ng pagkabahala hinggil sa posibleng pagbaba ng kita na dulot ng mga panukalang relief sa income tax at iba pang mga hakbang sa pagbubuwis.

“We cannot build a national budget on overly optimistic assumptions. We cannot have guaranteed spending funded by uncertain revenues and ever-increasing borrowings,” babala ni Erice.

Binigyang-diin ng lawmaker opposition na ang humihinang pagganap ng ekonomiya ng bansa, tumataas na utang, at lumiliit na espasyo sa pananalapi ay nangangailangan ng higit na disiplina sa pananalapi, transparency, at paggastos na nakatuon sa tunay na kaunlaran.

“A national budget must not be a reward for political allies, a punishment for political opponents, or an inheritance for political dynasties. It is the people’s money,” diin ni Erice.

Sa pagtatapos ng kanyang paliwanag sa boto, ipinahayag ni Erice: “I will not trade my conscience for budget allocations. I will not trade my principles for political favors. And I will not sacrifice the future of my constituents to preserve the power of politicians.”

“My vote is NO—not because I am in the opposition, but because my first loyalty is to the Filipino people.”

“After everything this country has endured, if we still have not learned our lessons, we should not merely be ashamed. We must be held accountable.” (Merly Duero) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here