Home HOME BANNER STORY 730K pasahero naitala sa NAIA sa Undas breakHOME BANNER STORYNATIONWIDETOP STORIES 730K pasahero naitala sa NAIA sa Undas breakNovember 2, 2023 15:44 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Nasa 730,000 pasahero ang naitalang nagtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasabay ng Undas break/Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) nitong Huwebes, Nobyembre 2, naitala ng NAIA ang nasa 732,573 pasahero sa ngayon.Dagdag pa ng MIAA, 88% ng 800 flights nitong Nobyembre 1 ay “on time.”Nauna nang iniulat ng MIAA na naitala nila ang kabuuang 381,041 pasahero sa NAIA mula Oktubre 27 hanggang 29, 2023.Umaasa naman ang paliparan na makakapag-accomodate ito ng nasa 1.2 milyong pasahero sa kabuuan ng Undas 2023. RNT/JGC