MANILA, Philippines – Nakabilang ang Iloilo City sa pinakahuling listahan ng UNESCO Creative Cities Network (UCCN) sa pag-aalok nito ng masasarap na mga pagkain.
Ayon sa UNESCO nitong Martes, ang Iloilo City ay kabilang na sa 350 cities sa naturang network na nagrerepresenta sa iba’t ibang larangan katulad ng crafts at folk art, design, film, gastronomy, literature, media arts, at musika.
Ang Iloilo ang ikatlong UNESCO cretive city mula sa Pilipinas kasunod ng Baguio City noong 2017 (crafts and folk art) at Cebu noong 2019 sa design.
“I share this award with the Ilonggos, like me, who love to cook our Ilonggo Food. Now, we can be proud to say Ilonggo cuisine is taking the stage in the international gastronomy scene,” saad sa pahayag ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas nitong Miyerkules, Nobyembre 1.
Ayon sa Department of Tourism, tuloy-tuloy ang suporta ng pamahalaan upang mapabuti pa ang food at creative industries ng bansa.
“The Department of Tourism commits to continue its support for our creative cities under the Marcos administration’s thrust to further develop, promote, and expand our tourism product portfolio towards multi-dimensional tourism,” sinabi ni Tourism Secretary Tina Frasco nitong Huwebes.
“This includes a strong focus on the food and creative industries, which will undoubtedly bolster the Philippines’ attractiveness as a preferred destination for travelers.”
Samantala, nauna nang inanunsyo ni DOT Regional Director for Western Visayas Crisante Rodriguez na lumilikha sila ng itineraries sa rehiyon upang ipakilala ang slow food experiences para sa gma turista na naglalayong iparanas sa mga ito ang food preparation at ingredients farming.
Maliban sa Iloilo, kabilang din sa mga bagong kinilala sa field of gastronomy ang Battambang, Cambodia; Chaozhou, China; Fribourg, Switzerland; Gangneung, South Korea; Heraklion, Greece; at Nkongsamba, Cameroon. RNT/JGC