MANILA, Philippines- Bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagsertipikang urgent sa panukalang mga pagbabago sa Rice Tariffication Law.
Sa panayam, sinabi ni Marcos na tumaas ang presyo ng bigas dahil sa kompetisyon ng traders.
“It is something that has come up, so that… ang problema kasi, kaya tumataas ang presyo ng bigas dahil ang mga trader ay nagcocompete, pataasan sila ng presyuhan sa pagbili ng palay at wala tayong kontrol doon,” ani Marcos.
“Kung magkaroon ng amendments sa… NFA charter at Rice Tarrification Law, magagawan natin, makokontrol natin, may influence tayo sa presyuhan sa pagbili ng palay at pagbenta ng bigas,” dagdag niya.
Nang tanungin kung isesertipika niya ito bilang urgent, sinabi ni Marcos, “Yes, I think it justifies the urgent certification.” RNT/SA