Home NATIONWIDE 73K bahay wasak, P18.4B pinsala sa agrikultura

73K bahay wasak, P18.4B pinsala sa agrikultura

216
0
📸 | Lijanie Tecson

MANILA, Philippines – Umabot na sa 73,059 ang mga nasirang bahay dahil sa habagat at bagyong Crising, Dante, at Emong, ayon sa ulat ng National Disaster Risk and Reduction Management Council.

Sa bilang na ito, 64,593 ang bahagyang nasira at 8,466 ang tuluyang nawasak, karamihan sa Rehiyon 1 (Ilocos Region).

Umabot naman sa ₱18.44 bilyon ang pinsala sa agrikultura at imprastruktura.

Apektado ang mahigit 2.3 milyong pamilya o 8.6 milyong katao, kung saan higit 51,000 ang patuloy na binibigyan ng tulong.

Nananatili sa 40 ang bilang ng mga nasawi, kung saan 3 ang kumpirmado at 37 ang bineberipika pa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here