Home NATIONWIDE 75% ng Pinoy mas gusto ng kandidatong lalaban sa karapatan ng Pilipinas...

75% ng Pinoy mas gusto ng kandidatong lalaban sa karapatan ng Pilipinas sa WPS – SWS

MANILA, Philippines – TINATAYANG 75% ng mga Filipino ang mas gusto ang mga kandidatong naniniwala na dapat na igiit ng Pilipnas ang karapatan laban sa agresibong aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

Lumabas sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) April survey na kinomisyon ng Stratbase Group, na ang porsiyento ng mga Filipino na mas gusto ang mga kandidato na itinutulak ang soberanya ng Pilipinas sa WPS ay bumaba ng 3% kumpara sa 78% mula sa survey na isinagawa noong buwan ng Pebrero.

Ang porsiyento ng mga Filipino na iba ang iniiisip ay tumaas ng 3% mula sa 22% noong Pebrero hanggang 25% ngayong Abril.

Sinasabing karamihan sa mas gusto ang mga kandidato na hindi naniniwalang dapat na igiit ng Pilipinas ang karapatan nito laban sa agresibong aksyon ng Tsina sa WPS ay nanggaling mula sa Class E na may 41%, ABC na may 28%, at D na may 24%.

Samantala, ang survey ay isinagawa mula April 11 hanggang 14, 2025 sa pamamagitan ng panayam sa 1,800 respondents. Mayroon itong ±2% margin of error. Kris Jose