MANILA, Philippines – Hinimok ng National Security Council (NSC) nitong Lunes, Abril 28, ang Embahada ng Tsina sa Pilipinas na magpaliwanag sa pagbabayad na diumano ay ibinigay nito sa isang kompanya para sa mga ‘dedicated keyborad warriors”.
Sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, na dapat nilang ipaliwanag sa mundo at sa mga Filipino kung bakit sila nakikialam sa internal na usapin ng gobyerno ng Pilipinas at sa mamamayang Pilipino.
Kamakailan ay binanggit ni Malaya ang indikasyon na ang “chinese state sponsored” information operations ay isinagawa upang posibleng makialam sa midterm elections sa Mayo 12.
Sinabi ni Malaya na nasa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagbuo ng kaso at pagsasampa ng kaso laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa panghihimasok ng China sa halalan sa Pilipinas.
Itinanggi ng China ang mga pahayag, at sinabing wala itong interes sa pag-impluwensya sa halalan sa Pilipinas.
Regular din nitong inaakusahan ang Pilipinas na gumagawa ng mga isyu at hinihikayat ang Sinophobia — ang kawalan ng tiwala at takot sa mga mamamayan at kulturang Tsino. Jocelyn Tabangcura-Domenden