MANILA, Philippines – Matinding kinondena ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang China Coast Guard (CCG) sa illegal na pang-aangkin nito sa Sandy Cay na pag-ari ng Pilipinas.
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kahit ilang pang isla ang agawin ng China Coast Guard, hindi nito maitatago ang katotohanan na pag-aari ng Pilipinas ang mga bahurang ito na nasa West Philippine Sea.
Kamakailan, illegal na inokupahan ng China ang Sandy Cay reef na inaangkin din ng ilang bansa tulad ng Vietnam kahit sakop ito ng 200 nautical miles ng pag-aari ng Pilipinas sa WPS na itinuturing na “another spectacle orchestrated by Beijing.”
Napaulat na ipinatupad ng CCG ang maritime control sa Sandy Cay hindi lamang inangkin at pagmamayri, kundi nagsasagawa din ng inspeksiyon at nangolekta ng video evidence hinggil sa sinasabing illegal activities ng Pilipinas.
“Sandy Cay belongs to the Philippines, and no amount of island hopping of the China Coast Guard will muddle the truth,” ayon sa pahayag.
Sinabi ni Hontiveros na pinagtibay ng international law na bahagi ang Sandy Cay ng WPS at hindi lamang may layong 2 nautical miles mula sa Pag-asa Island.
“Simula noong 2017 o sa panahon ng Duterte administration, walang Filipino na nakalapit sa Sandy Cay dahil maraming Chinese military ang nakatanod sa lugar,” ayon kay Hontiveros.
Kaya’t hiniling ni Hontiveros sa pamahalaan na kumilos kaagad upang pangalagaan ang ating teritoryo na pinagtataluna na isla.
“If we don’t, this might even undermine our presence on Pag-asa Island,” she said. Aside from the Department of Foreign Affairs’ filing of a diplomatic protest, ayon kay Hontiveros.
“China’s unacceptable behavior not only violates international law, it also further keeps Filipino fisherfolk away from waters they should have access to,” aniya pa.
Ayon kay Hontiveros, itinuturing na panibagong yugto ng panghihimasok ng Beijing ang pangyayari. “Dapat matigil na ang paglikha ng drama ng China.”
“The photoshoot gimmick and supposed planting of the Chinese flag on Sandy Cay is just another spectacle orchestrated by Beijing. No self-respecting State would take it to mean that China now has sovereign rights over it,” giit ni Hontiveros. Ernie Reyes