Home HOME BANNER STORY 77 food items may taas-presyo; bagong SRP inilabas ng DTI

77 food items may taas-presyo; bagong SRP inilabas ng DTI

MANILA, Philippines – Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Huwebes ang pinakabagong suggested retail price (SRP) bulletin ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin, mahigit isang taon matapos ang huling paglabas nito noong Enero 12 ng nakaraang taon.

Sa data ng DTI, ipinakita na sa 191 shelf-keeping units (SKUs) sa pinakabagong listahan ng SRP, 77 item o 40 porsiyento ng mga SKU ang nagtaas ng kanilang SRPs.

Ang mga basic necessities at prime commodities na nagtaas ng kanilang presyo ay kabilang ang canned sardines (7), condensed milk (1), evaporated milk (1), powdered (1), coffee refill (5), coffee 3-in-1 (4), bread (2), instant noodles (3), candles (5), luncheon meat (1), meat loaf (1) corned beef (4), beef loaf (3), salt (6), bottled water (5), condiments (15), toilet soap (6), detergent at laundry soap (6), at battery (1).

Kung ang SRP increase ng canned sardines ay pumapatak sa pagitan ng 5 hanggang 15 percent, o 2 sentimo hanggang P2.73 na pagtaas para sa isang 155-gramong lata.

May pagtaas ng 6 hanggang 10 percent ang gatas (milk) SRPs, o mula P2.50 hanggang P6 depende sa brand at unit.

Para sa kape, ang SRP hike na inaprubahan ng ahensya ay nasa pagitan ng 6 hanggang 11 porsiyento, o mula 45 centavos hanggang P2.20.

Ang instant noodles ay may SRP increment mula 1 hanggang 7 porsiyento, o mula 10 hanggang 50 centavos.

Wala namang paggalaw sa SRP para sa Pinoy Pandesal at Pinoy Tasty mula sa SRP bulletin noong Pebrero 8, 2023.

Sa pinakahuling issuance, ang SRP ng 250g Pinoy Pandesal at 450g Pinoy Tasty ay tumaas ng P2.25 hanggang P3.50.

Sa kabilang banda, anim na produkto ang may mas mababang SRP, kabilang ang de-latang sardinas (2) at de-boteng tubig (4).

Ang mga pagbabago sa SRP sa mga de-latang sardinas ay mababa lamang sa 10 sentimo habang ang pagbaba sa SRP ng bottled water ay kasing taas ng P3.

May 108 item ang hindi nagbago ng kanilang mga SRP sa pinakabagong bulletin.

Upang mapanatili ang pagiging mapagkumpitensya sa merkado, ang ilang mga brand ay nagpapanatili ng kanilang mga SRP ngunit nagsagawa ng “shrinkflation”, o binabawasan ang laki ng isang produkto habang pinapanatili ang parehong presyo.

Siyam na item sa mga SKU ang nagbawas ng kanilang mga yunit at napanatili ang kanilang mga SRP; binawasan ng isa ang unit nito at pinanatili ang SRP; at ang isa naman ay dinagdagan ang unit nito para ipakilala ang pagtaas ng presyo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)