MANILA, Philippines – Aabot sa 7,838 sa kabuuang 9,317 examinees ang pumasa sa March 2026 Medical Technologists Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Inilabas ang resulta tatlong working days matapos ang pagsusulit na isinagawa sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.
Nanguna sa pagsusulit si Reisz Wyrnel Gaudicos Camasin ng San Pedro College-Davao City matapos makakuha ng 93 porsyento na marka.
Pumangalawa naman si Dexter Alvarez Masongsong Jr. ng parehong paaralan na may 92.90 porsyento.
Pumangatlo si Marc Ian Bunagan Tuddao ng Cagayan State University-Andrews Campus na may 92.80 porsyento.
Ayon pa sa PRC, ang mga examinee na hindi pumasa ngunit nakakuha ng general rating na hindi bababa sa 70 porsyento ay maaaring magparehistro bilang Medical Laboratory Technician. RNT