Home NATIONWIDE Paggamit ng larawan ng menor na anak sa fake news, pinalagan ni...

Paggamit ng larawan ng menor na anak sa fake news, pinalagan ni VP Sara

151
0

MANILA, Philippines – Kinondena ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules ang paggamit ng larawan ng kanyang menor de edad na anak sa pagpapakalat ng maling impormasyon online.

Sa isang pahayag, iginiit ni Duterte na hindi niya kailanman isinangkot ang kanyang mga anak sa usaping pulitika.

“Hindi ko kailanman ginamit ang aking mga anak sa pagsulong ng aking interes, at mahigpit ko silang pinagbabawalan na makisali sa mga usaping politika sa labas ng aming tahanan,” ani Duterte.

Sa isa sa mga larawang kumalat online, makikita ang larawan ng kanyang anak na may kalakip na text na: “Please take care of my mother Inday Sara Duterte, she had dedicated her life for the welfare of the nation.”

Binigyang-diin ng bise presidente na hindi dapat ginagamit ang mga bata sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

“Huwag nating hayaang magamit ang mga bata sa pagpapakalat ng fake news sa maruming mundo ng politika ngayon. Ang proteksyon ng kabataan—anak ko man o hindi—ay responsibilidad nating lahat,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here