Home NATIONWIDE 8 arestado sa hinihinalang vote-buying sa CamSur

8 arestado sa hinihinalang vote-buying sa CamSur

MANILA, Philippines – Walong indibidwal ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa vote-buying activities sa ilang mga munisipalidad sa Camarines Sur.

Ayon kay PRO 5 Regional Director P/ Brig. General Andre Perez Dizon, na ang mga naaresto sa bayan ng Caramoan ay pinalaya sila ng pisikal para sa regular na pagsasampa ng kaso.

Sa hiwalay na insidente sa bayan ng Nabua, isang indibidwal na ang inaresto sa pamamagitan ng citizens arrest. Pinalaya rin ito habang nakabinbin ang pagsasampa ng kaso.

May dalawa ring indibidwal na umano’y sangkot din Sa vote-buying ang pinaghahanap na sa Iriga City.

Ayon kay Dizon, patuloy nilang sinusubaybayan ang sitwasyon at gagawin ang mga legal na paglilitis kung saan naangkop.

Dagdag pa ni Dizon, ang naitalang bilang ng vote-buying ay nangyari noong nakaraang araw at wala pang nadagdag o naitatala sa mismong araw ng halalan.

“Nung nakaraan araw pa po yun. Today wala po,” sabi ni Dizon sa isang text message.

Samantala, nakaalerto at nakahanda ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng Bicol police para sa agarang deployment kung kinakailangan para sa 2025 national at local elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden