Home HOME BANNER STORY 8-buwang sanggol, utas sa banggaan

8-buwang sanggol, utas sa banggaan

190
0

ILOILO – Patay ang isang walong buwang gulang na sanggol matapos bumangga ang isang tricycle sa dumulas na motorsiklo sa Barangay Sulangan, Dumangas, Iloilo.

Base sa CCTV na maayos ang daloy ng trapiko bago dumulas ang motorsiklo at bumangga sa kasalubong na tricycle, dahilan para ito’y tumagilid.

May anim na pasahero ang tricycle, kabilang ang sanggol na nasawi.

Nasugatan din ang menor de edad na nagmamaneho ng motorsiklo na walang lisensya.

Nais ng pamilya ng biktima na panagutin ang naturang rider. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here