Home NATIONWIDE 8 Chinese arestado ng NBI sa online phishing ops

8 Chinese arestado ng NBI sa online phishing ops

MANILA, Philippines – Walong Chinese nationals ang inaresto ng NBI-National Capital Region (NCR) sa Parañaque City dahil sa online phishing operations.

Sinabi ni NBI Director Judge Jaime Santiago na ang kaso ay nag-ugat sa intelligence report na ang grupo ng mga foreign nationals ay sangkot sa investment fraud , crypto asset/currency scam, romance scam, identity theft sa pamamagitan ng paggamit ng social engineering scheme at digital communication schemes.

Nagsagawa ng surveillance sa lugar ang NBI kasama ang informant kung saan nakumpirma ang illegal na aktibidad.

Nakakuha ang NBI ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) noong Enero 14 mula sa RTC Paranaque City laban kay Hwang Xiaobin at iba pa.

Ikinasa ng mga operatiba ang operasyon kasama ang kinatawan mula sa Digital Forensic Laboratory (DFL) ay ipinatupad ang WSSECD.

Narekober ang laptop at desktop at nagsagawa ng onsite examination ang kinatawan ng DFL kung saan ang transcript template ng Phishing at/o social engineering schemeers na ginamit para sa sensitibong impormasyon ng isa pang indibidwal at nadiskubre.

Gayundin, ang financial transactions ng crypto currency scams ay natuklasan sa isinagawang pagsusuri.

Sinabi ni Santiago na paglabag sa “The Anti Financial Account Scamming Act (AFASA)” ang inihain laban kay Xiaobin (at large), Xiao Li, Chian Zi Gao, Ming Ru Li, Wen Shu Liu, Qui Shun Li, Cai Li Pan, Changfu Liu at Zhang Zhen Hong sa Parañaque Prosecutors Office.

Pinuri naman ni Santiago ang NCR para sa matagumpay na operasyon at tiniyak sa publiko na ang NBI ay patuloy sa pinaigting nitong paglaban sa illegal scamming operations .(Jocelyn Tabangcura-Domenden)