Home NATIONWIDE 8 OFW ligtas sa sunog sa factory sa S. Korea

8 OFW ligtas sa sunog sa factory sa S. Korea

296
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules na ligtas ang walong overseas Filipino workers (OFWs) matapos masunog ang isang plastic manufacturing company sa Namyangju/Paju, Gyeonggi-do, South Korea noong Biyernes.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ang mga OFW ay naka-empleyo sa ilalim ng Employment Permit System ng South Korea, na nagpapahintulot sa maliliit at katamtamang-laking kumpanya na legal na kumuha ng mga dayuhang manggagawa.

Dagdag niya, bagama’t hindi nasaktan ang mga manggagawa, pansamantalang naapektuhan ang kanilang trabaho dahil suspendido ang operasyon ng kumpanya.

Nakipagpulong ang mga OFW sa mga opisyal ng Philippine Embassy sa Seoul noong Linggo, pinangunahan ni Ambassador Bernadette Therese Fernandez kasama si Labor Attaché Rosemarie Duquez at Welfare Officer Cornelia Chanco.

Binigyan sila ng relief aid at financial assistance, at tinulungan ng embahada ang mga nawalan o nasirang pasaporte sa pagproseso ng kanilang passport application.

Nagpasalamat si Cacdac sa mabilis na tugon ng gobyerno ng South Korea at sinabi na patuloy na susubaybayan ng DMW ang sitwasyon at magbibigay ng suporta sa mga apektadong manggagawa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here