Home NATIONWIDE Wanted na ex-vice mayor sa Kalinga, utas sa pakikipagbarilan sa mga parak

Wanted na ex-vice mayor sa Kalinga, utas sa pakikipagbarilan sa mga parak

203
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang dating lokal na opisyal sa Kalinga na kabilang sa mga wanted dahil sa sunod-sunod na mabibigat na kaso matapos makipagbarilan sa pulisya sa madaling araw ng Miyerkules, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Si Corey Dickpus, dating bise alkalde ng Lubuagan town, ay nakipagpalitan ng putok sa mga pulis na tumagal ng humigit-kumulang 30 minuto.

Siya ay sugatan at dinala sa Kalinga District Hospital kung saan idineklarang dead on arrival.

Isang pulis ang nasugatan din ngunit nasa stable na kondisyon, dagdag ng PNP.

Nakuha sa operasyon ang ilang armas at bala, kabilang ang M16 rifle na may M203 grenade launcher, M14 rifle, at isang .45 pistol, pati na rin ang mga magazine at bala.

Ayon sa PNP, kabilang si Dickpus sa Department of the Interior and Local Government’s Most Wanted Persons list dahil sa serye ng krimen, kabilang ang pagpatay sa dalawang pulis.

Nagsilbi si Dickpus bilang barangay captain at bise alkalde ng Lubuagan nang ilang beses at muling tumakbo bilang bise alkalde noong 2025 ngunit natalo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here