Home NATIONWIDE Matapos ang mahabang panahong pananahimik, Sen. Bato naglabas ng birthday message

Matapos ang mahabang panahong pananahimik, Sen. Bato naglabas ng birthday message

260
0

MANILA, Philippines – Matapos na mahabang panahong pananahimik at pag-absent sa Senado, bumoses si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Miyerkules, sa pagdiriwang ng kanyang ika-64 na kaarawan, at sinabi na siya ay patuloy na “naghihintay” sa gitna ng ulat tungkol sa umano’y warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

“I am waiting. Waiting for a true seeking for justice to emerge and take over. Not this threat of fake and foreign meddling from those who do not and can never know us or be us,” wika ni Dela Rosa sa kanyang pahayag.

Dagdag pa niya, kung may mga kaso laban sa kanya, haharapin niya ang mga ito “as a Filipino, before Filipinos,” at tinanggihan ang ideya na litisin siya ng mga banyagang hukuman.

“Kung papayag lamang ako na ako’y huhulihin at lilitisin ng mga tao at korteng banyaga, tila binalewala ko na rin ang pakikipaglaban ng ating mga bayani at sundalo para sa ating kasarinlan,” ani niya.

Hindi nakadalo si Dela Rosa sa mga sesyon ng Senado mula Nobyembre 11, 2025, matapos igiit ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas ang ICC ng warrant of arrest kaugnay ng marahas na kampanya kontra droga noong administrasyong Duterte, kung saan nagsilbi si Dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police.

Sinabi niyang nananatili siyang “patient, composed, and dignified,” at hinamon ang mga kritiko na tanungin ang kanilang sarili kung bakit sabik silang “surrender your fellow Filipino to foreigners.”

Ang hiling niya sa kaarawan, ayon sa kanya, ay ang pagbabalik ng Pilipinas sa “true nationhood,” kung saan ang hustisya ay ihahatid “right here, on our shores, in our courts.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here