Home HOME BANNER STORY 8 patay, 1 nawawala sa Bagyong Julian

8 patay, 1 nawawala sa Bagyong Julian

141
0

MANILA, Philippines – Walo katao ang nasawi habang isa ang nawawala sa pananalasa ng Bagyong Julian sa hilagang bahagi ng bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules, Oktubre 2.

Sa situational report, sinabi ng NDRRMC na bagamat walang naitalang nasawi sa Cordillera Administrative Region (CAR), mayroon naman ditong isang nawawala.

Sa naturang bilang, lahat ng walong nasawi ay mula sa Region 2 o Cagayan Valley.

Nasa 43,093 pamilya o 149,293 katao mula sa Regions 1, 2 at CAR ang apektado ng bagyo, kung saan 646 pamilya o 2,176 katao ang tumutuloy sa 58 evacuation centers, at 921 pamilya o 3,255 katao ang nasa ibang lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here