Home NATIONWIDE 8 PCG crew members sugatan sa tumaob na sasakyan

8 PCG crew members sugatan sa tumaob na sasakyan

MANILA, Philippines – Sugatan ang walong Philippine Coast Guard (PCG) crew members na nakatakdang ideploy sa West Philippine Sea (WPS) matapos bumaliktad ang sinasakyan sa Barangay Labog, Sofronio Española sa southern Palawan.

Sinabi ni Capt. Dennis Labay, PCG district Palawan commander na ang nasabing mga crew ay bahagi ng three-vehicle convoy na patungong Buliluyan Port sa Batazara para sa deployment sa Kalayaan Island Group.

Ayon kay Labay, agad na tumugon ang mga emergency service, tinitiyak na ang mga nasugatan ay dinala sa Sagrado Hospital sa Brooke’s Point.

Sinabi ni Labay na susuriin nilang muli ang kanilang operational at safety protocols kapag bumibiyahe ang mga tauhan ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePH, US joint patrol isang goodwill activity, ‘di pagyayabang – AFP
Next articleHula kina KathNiel, magkakabalikan; Andrea, magkaka-jowa!