Home NATIONWIDE PH, US joint patrol isang goodwill activity, ‘di pagyayabang – AFP

PH, US joint patrol isang goodwill activity, ‘di pagyayabang – AFP

MANILA, Philippines – Binatikos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang China nitong Biyernes, Enero 5 sa pagsasabi nitong ang maritime cooperative activity (MCA) ng Manila at Washington ay isang “muscle-flexing” at iresponsableng hakbang.

“The MCA is a routine, goodwill activity approved under our mutual defense board and security engagement board under our Mutual Defense Treaty with the United States. So it is just a routine goodwill activity that we did,” pahayag ni Vice Admiral Alberto Carlos, commander of the AFP Western Command, sa panayam ng CNN Philippines.

Nitong Huwebes, kinondena ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin ang katatapos lamang na joint patrol ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.

Aniya ang mga “provocative military activities” na ito ay hindi makatutulong na maresolba ang maritime disputes, at dapat nang itigil ang iresponsableng mga aksyon na ito.

Ayon kay Carlos, walang basehan si Wang sa pagsasabi nito dahil ang MCA ay batay sa international law, partikular na ang United Nations Convention on the Law of the Sea.

Sinabi ng AFP official na ikalawang pagsasagawa sa MCA sa pagitan ng Pilipinas at US ay naglalayong palakasin ang interoperability at kahandaan ng dalawang bansa.

Matagumpay umano ito sa kabila ng presensya ng mga barko ng China sa bisinidad ng drills.

Bagama’t hindi nanggulo, sinabi ni Carlos na bahagi ng protocol ng AFP ang i-radio challenge ang Beijing.

Naglaan naman ng distansya ang mga barko ng China.

Umaasa ang AFP na magkaroon ng mas marami pang MCA sa like-minded countries sa hinaharap. Wala pang eksaktong petsa ngunit marami na umanong bansa ang nagpahayag ng interes para rito. RNT/JGC

Previous articlePanay sub-grid fully restored na!
Next article8 PCG crew members sugatan sa tumaob na sasakyan