Home NATIONWIDE 8 Pinoy crew ng barkong inatake sa Red Sea, nakauwi na

8 Pinoy crew ng barkong inatake sa Red Sea, nakauwi na

294
0

MANILA, Philippines – Maayos na nakarating sa bansa ang walong Pilipinong tripulante na nakaligtas sa pag-atake ng grupong Houthi sa MV Eternity C sa Red Sea.

Kasama si DOH Secretary Ted Herbosa at mga kinatawan ng National Center for Mental Health na sumalubog sa mga tripulante paglapag sa NAIA Terminal 1 pasado alas-9 kagabi upang bigyan ng agarang atensyong medikal.

Bilang tugon ito sa utos ni Pangulong Ferdiannd Marcos Jr. na agad isailalim sa psychological first aid at medikal na pagsusuiri ang mga tripulante.

Ayon kay Sec. Herbosa, hindi biro ang pinagdaanan ng mga marino lalo’t walang agarang tulong sa gitna ng laot.

Tiniyak din ng DOH na bukas ang mga ospital ng pamahalaan para sa anumang karagdagang medikal at psychosocial support na kanilang kakailanganin. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here