MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Pia Cayetano nitong Huwebes, Hulyo 17 para sa isang pagsisiyasat ng Senado sa napaulat na pagbebenta ng mga sanggol sa mga social media platform, habang hinihimok niya ang buong pagpapatupad ng mga batas na nagpoprotekta sa mga bata laban sa trafficking at ilegal na pag-aampon.
Aalisan ng maskara ni Senador Pia Cayetano ang sinumang nagpapatakbo ng isang malaking sindikato na nagbebenta ng sanggol social media na itinuturing nitong paglabag sa umiiral na batas at karapatang pantao.
Sa pahayag, sinabi ni Cayetano na kailangan ang nagkakaisang pagkilos ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang masugpo ang online selling ng sanggol sa social media na hinihinalang pinatatakbo ng isang malaking sindikato.
Layunin din ng imebestigasyon ng Senado ang pagsilip sa masusing implementasyon ng batas sa adoption at human trafficking.
“Babies are not commodities,” diin ni Cayetano.
Kamakailan, iniulat ng Commission on Human Rights (CHR) at Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga sindikatong nang-aabuso sa pamilyang salat sa kabuhayan na hinihimok na ibenta ang sanggol nila.
“These are heartbreaking reports that demand swift and coordinated action. The sale of children online is a gross violation of their rights and a crime under our laws,” ani Cayetano, isang matagal nang tagapagsulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan at kabataan.
Binanggit niya ang kahalagahan ng ganap na pagpapatupad ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act at ng Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act, dalawang mahahalagang batas na kanyang isinulong at naipasa.
Ang una ay kinikilala ang pagbebenta ng mga sanggol at pag-aampon kapalit ng pera bilang anyo ng human trafficking, habang ang ikalawa ay ginagawang mas simple, abot-kaya, at mabilis ang proseso ng legal adoption para sa mga pamilyang Pilipino.
“I am filing a Senate resolution to investigate not only the possible involvement of syndicates in these online baby-selling cases, but also the systemic gaps that allow this to happen, and to ensure that our law enforcement agencies, social workers, and regulatory bodies are equipped and coordinated in stopping this practice,” a ni Cayetano.
Nanawagan din siya ng mas pinaigting na edukasyon sa mga komunidad at mas mahigpit na digital monitoring, lalo na’t may mga ulat na maging ang mga hindi pa naisisilang na sanggol ay ibinebenta na din.
“This issue is a painful reminder of the deep poverty and desperation that some families face, but that cannot justify the exploitation of our children. We must give mothers and families real alternatives, including accessible social services and a humane, efficient adoption system,” dagdag pa ng senadora.
Muli ring ipinahayag ni Cayetano ang kanyang buong suporta sa National Authority for Child Care (NACC) sa pagsasakatuparan ng mandato nito, kabilang na ang sapat na pondo para sa mga tauhan, programa, at mga public awareness campaigns para sa publiko.
“Our children deserve to grow up in safe, loving homes, and not be traded in online marketplaces. I will continue fighting for laws and policies that protect every Filipino child from abuse, neglect, and exploitation,” aniya. Ernie Reyes