Home NATIONWIDE 8 Pinoy seaman balik-bansa na kasunod ng MV Solong mishap

8 Pinoy seaman balik-bansa na kasunod ng MV Solong mishap

MANILA, Philippines – Nakabalik na sa bansa ang walong Filipino seafrers mula sa container ship MV Solong na nabangga ng isang oil tanker sa England noong Marso 10.

Ayon sa pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW), bibigyan ng kinakailangang tulong at suporta para sa mga marino.

Pinagkalooban din sila ng financial assistance mula sa Overseas Workers Welfare Association (OWWA) at DMW.

Nauna nang sinabi ng DMW na kinokonsidera nila ang legal actions laban sa sea vessel dahil sa posibleng kapabayaan sa bahagi ng MV Solong lalo sa kapitan na lumutang sa korte para sa reklamo ng gross negligence manslaughter.

Ayon kay Cacdac, maingat nila itong tinitignan at tiyak na darating ang legal aksyon kung matutuklasan ng kanilang abogado na kailangang magsampa ng kaso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)