MANILA, Philippines – Walang nakikitang basehan ang mga lider ng Kamara sa pangambang magkakaroon ng civil unrest kasunud ng pagkakaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“I don’t think there should be any reason for us to say that this would lead to something massive because it is not happening. All these pockets of rallies are just a mere sentiment for their supporters expressing their views,” ayon kay House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep Zia Alonto Adiong sa isang pressconference sa Kamara.
Para kay Adiong walang pangangailangan para itaas ang national alert level base na rin sa pagtanya sa sitwasyon ng Philippine National Police(PNP.
Ipinunto pa ni Adiong na ang mas nakakabahala ay ang pagkalat ng pekeng mga balita sa social media kung saan may mga mapanlinlang na mga imahe at video na pinapakalat na nagpapakita ng civil unrest.
Sinangyunan din ito ni House Deputy Majority Leader at La Union Rep Paolo Ortega, aniya, sinasadya ang pagpapakalat na mayroong malaking pag-aaklas na nagaganap kahit hindi ito totoo.
Hinikayat ni Ortega ang publiko na mas maging mapanuri at matalino sa pagkuha ng impormasyon lalo na sa social media. Gail Mendoza