MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating UnionDigital Bank president at chief executive officer Henry Rhoel Aguda bilang bagong Kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagkakatalaga kay Aguda, araw ng Huwebes.
“Aguda’s experience spans the banking, technology and telecommunications sectors,” ang sinabi ng PCO sa isang kalatas.
“His specialty is in digital transformation, digital banking and financial crimes,” dagdag na pahayag nito.
Pinalitan ni Aguda si Ivan John Uy na nagbitiw sa puwesto nito lamang unang bahagi ng buwan.
Bago pa ang kanyang bagong appointment, nagsilbi si Aguda bilang Digital Infrastructure Lead sa Private Sector Advisory Council (PSAC), isang konseho na may tungkulin na tulungan ang administrasyong Marcos sa pagpapaunlad ng mga makabagong synergy sa pagitan ng private at public sectors.
Bago naman napasama sa UnionDigital Bank, siya ay board chairperson kapwa ng City Savings Bank at UBX Philippines. Kris Jose