Home METRO 8 preso pumuga, 4 nadakma

8 preso pumuga, 4 nadakma

Bulacan (UPDATED)- Apat na ang nahuling preso na tumakas sa custodial facility ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Linggo ng madaling araw, Hunyo 2.

Sa report ng SJDM police kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo kinilala ang mga nahuling sina Glenmir Ian Aguilar at Arturo Conde.

Ayon sa report, bandang alas-2:15 ng hapon nitong Hunyo 2, nahuli sa hot pursuit operation sa pangunguna ni PMAJ Ferdinand Marcos, Intel PCO, si Glenmir Ian sa hot pursuit operation sa Brgy. Gumaoc West.

Bandang alas-9:30 ng gabi sa parehong petsa at operasyon ay nahuli rin si Arturo sa Brgy. Graceville.

Nalamang unang napabalitang nasakote ang dalawang tumakas na inmates na sina Jorency Revise at Edcel Briones.

Sinasabing ang inmates na tumakas ay may mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga, arson at robbery.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya sa mga nalalabing pumugang preso. Dick Mirasol III