MANILA, Philippines – Walo ang sugatan habang tinatayang aabot sa humigit-kumulang P250,000 halaga ng ari-arian ang naging abo sa sunog na sumiklab sa residential area sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng hapon, Enero 6.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula sa 4-storey residential, light materials ang sunog sa 1320 C-19, C.P Garcia St., Road 10, Brgy. 123, Moriones, Tondo at pag-aari ni Aida Daaco.
Alas-2:07 ng hapon nang sumiklab ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Ayon sa BFP, 15 ang matinding natupok habang mahigit-kumulang 45 pamilya ang apektado.
Sa imbestigasyon, nakitaan ng usok sa ikatlong palapag ng 4-storey residential house ngunit hindi pa batid kung ano ang naging sanhi ng sunog.
Idineklarang fire out pasado alas-4 na ng hapon. Jocelyn Tabancgura-Domenden