Home NATIONWIDE Sea travel sa Quezon province, ibinalik na sa pag-aalis ng gale warning

Sea travel sa Quezon province, ibinalik na sa pag-aalis ng gale warning

MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy na ang sea travel para sa lahat ng sasakyang pandagat sa lalawigan ng Quezon nitong Lunes, Enero 6, matapos alisin ang gale warning ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat na may gross tonnage na 250 pababa noong Sabado dahil sa maalon na kondisyon ng dagat dulot ng malakas na hanging amihan.

Nakaapekto ang suspensyon sa bayan ng General Nakar, Northern Quezon at northern at eastern costs ng Polilo Islands kabilang ang munisipalidad ng Panukulan, Burdeos, Patnanungan at Jomalig.

Nitong Linggo ng umaga, pinalawig ng PCG ang suspensyon at isinama ang eastern coast ng probinsya na sumasakop sa bayan ng Mauban, Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez at Calauag gayundin ang island municipalities ng Alabat at Perez sa Lamon Bay. Jocelyn Tabangcura-Domenden