QUEZON CITY — Walong tao ang kumpirmadong nasawi matapos masunog ang isang paupahang bahay sa Barangay San Isidro, Quezon City, nitong madaling araw ng Huwebes.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa tatlong palapag na gusali at umabot sa unang alarma bandang 2:02 a.m.
Ayon sa ilang residente, malaki na ang apoy nang sila’y magising, kaya napilitan ang ilan na dumaan sa bubong upang makaligtas.







