Home METRO 80-anyos bugbog-sarado sa ‘praning’ na anak

80-anyos bugbog-sarado sa ‘praning’ na anak

Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng  80 anyos na ama matapos gulpihin ng sarili niyang anak sa loob ng kanilang bahay sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si Dionisio Espantaleo Jr habang ang biktima ay si Dionisio Sr kapwa residente ng Brgy. Nayong Lourdes.

Sa report ng SJDM police station kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo nangyari ang insidente  bandang 9:30 ng umaga nitong Mayo 22 sa nasabing Lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, walang kaabog-abog na pinagsasapak ng suspek  ang mukha ng kanyang uugod-ugod na ama.

Sinasabing hindi pa nakuntento ang suspek nang hampasin pa niya ng silya ang kanyang ama.

Nang mahimasmasan ay agad humingi ng saklolo ang biktima sa kanilang barangay na rumesponde sa lugar kaya napigil ang suspek at kalaunay isinuko sa pulisya kalaunan.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)