MANILA, Philippines – Mayroong 80 puwesto para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections (PBE), ayon sa Commission on Elections.
Batay sa Resolution No. 11199, natukoy na ng Comelec en banc ang alokasyon ng mga puwestong paglalabanan sa PBE na nakatakdang ganapin sa Setyembre 2026.
Ayon pa sa Comelec, ang 40 kinatawan ng political parties ay dapat ihalal sa pamamagitan ng sistema ng proportional representation.
Sa kabilang banda, 31 kinatawan ang ihahalal mula sa mga miyembro ng parliamentary districts na hinati sa iba’t ibang lugar at sa paraang itinakda ng parlamento.
Sinabi nito na magkakaroon ng apat na puwesto para sa Basilan, siyam para sa Lanao del Sur, lima para sa Maguindanao del Norte, lima para sa Maguindanao del Sur, apat para sa Tawi-Tawi, tatlo para sa Cotabato City, at dalawa para sa Special Geographic Area.
May walong puwesto para sa mga sectoral na kinatawan na ihahalal—dalawa para sa non-Moro Indigenous Peoples, dalawa para sa settler communities, at tig-iisa para sa mga kababaihan, kabataan, traditional leaders, at ulama. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)