Home METRO 800K MT bigas, aangkatin ng NFA

800K MT bigas, aangkatin ng NFA

216
0

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ni National Food Authority (NFA) Administrator Larry Lacson na madaragdagan ng 800,000 metric tons ang imbak na bigas ng ahensiya sa tulong ng warehouse modernization.

Nabatid sa press briefing , sinabi ni Administrator Lacson na nasa 134 warehouse na ngayon ang reactivated at may 36 warehouse naman ang patuloy na itinatayo ng ahensiya para magkaroon ng mas mataas na kapasidad ang imbak na bigas ng ahensiya sa mga warehouses nationwide.

Kaugnay nito inaasahan ni Lacson na sa taong 2027 ay tapos na ang mga warehouse at sapat nang madagdagan ng 800,000 metric tons ang imbak na bigas na sapat na para punan ang rice demand ng mamamayan nang may ilang lingo.

Samantala plano ng NFA na sa January 2026 ay magkaroon ng mas maraming warehouses para sa pagtataas sa  buffer stock at makopo ang 2.3 milyong threshold hanggang December 2026.

Ayon pa sa NFA sa ngayon anya ay naibebenta na  ang Benteng Bigas sa mga Kadiwa Centers ng Pangulo sa  region 4 A ,MIMAROPA, Maynila, Pasig Taguig, Region 1 at Region 7 at ilang piling palengke. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here