Home NATIONWIDE 80M litrong milk output target ng DA sa 2028

80M litrong milk output target ng DA sa 2028

MANILA, Philippines- Sinisilip ng Department of Agriculture na itaas ang milk output sa 80 milyong litro sa 2028.

Sinabi ni National Dairy Authority Administrator Dr. Gabriel Lagamayo na maliit na bahagi ito ng  projected demand ng 2.143 million metric tons pagsapit ng nasabing taon.

“Increasing milk output 2.5 times over the next five years requires a dramatic increase in the number of animals in the milking line, enhancing dairy productivity, expanding distribution networks, constructing additional dairy-related infrastructures, and promoting the consumption of local milk and dairy products,” anang opisyal.

Habang wala pang inilalabas ang Philippine Statistics Authority na national data para samilk production, makikita sa NDA data na umabot ang cattle production noong 2023 sa 17,850 metric tons — bumubuo sa tinatayang 0.8 porsyento ng kabuuang milk consumption na 1.937 million metric tons.

Kumakatawan ang nasabing consumption figure sa dagdag na 1,372 metric tonskumpara noong 2022.

Para sa taong ito naman, inaasahang aabot ang demand para sa milk consumption sa1.978 million metric tons.

Nakaranas din ang herd ng 45 percent growth sa 75,798 noong 2023 kumpara sa 52,188 noong 2018.

Sa news release, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na makatutulong ang development ng local dairy industry sa pagtugon sa malnutrisyon sa mga lalawigan. RNT/SA

Previous articleGenSan unang nakapagtala ng 100% jeepney consolidation
Next articlePaggamit ng photo filter app sa PhilID viral sa socmed; kinondena ng PSA