MANILA, Philippines – Mayroon na lamang 838 stranded na pasahero sa ibat-ibang pantalan sa bansa dahil sa umiiral na sama ng panahon.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong umaga ng Martes, Setyembre 17, kabilang sa nasabing bilang ng mga stranded ang mga truck driver at cargo helpers.
Stranded din ang 15 barko, 438 rolling cargoes at 11 motorbancas.
Habang ang 12 pang mga barko at 12 motorbancas sa Eastern Visayas, Southern Tagalog, Bicol at Western Visayas regions ay hindi rin pinayagang makapaglayag.
Karamihan sa mga stranded ay naitala sa Eastern Visayas.
Limang sasakyang-pandagat din ang nananatiling nakahimpil sa ligtas na lugar upang maiwasan ang anumang maritime incidents sa masamang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden