MANILA, Philippines – May alok na libreng sakay ang MRT-3 para sa mga empleyado ng pamahalaan mula Setyembre 18 hanggang 20 bilang selebrasyon ng anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Lahat ng government workers ay maaaring sumakay ng libre sa MRT-3 sa nabanggit na mga petsa. Kailangan lamang ay ipakita ng mga ito ang kanilang government employee ID sa istasyon ng tren.
“Layon ng LIBRENG SAKAY ng MRT-3 na makapaghatid ng kahit kaunting kasiyahan sa kanila na tanda ng aming pagsaludo at pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo. Mabuhay ang mga kawani ng gobyerno!” saad sa pahayag ni MRT-3 General Manager Oscar B. Bongon. RNT/JGC