Home NATIONWIDE 844 permanenteng trabaho kinalos sa NAIA privatization

844 permanenteng trabaho kinalos sa NAIA privatization

140
0

MANILA, Philippines – SINIBAK ng Manila International Airport Authority (MIAA), na dating operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang nasa 844 plantilla positions kasunod ng pribatisasyon ng nasabing airport.

Nabatid na karamihan dito ay ang mga posisyon ng mga sumapi sa bagong pamamahala, ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), na pumalit sa mga operasyon noong Setyembre 14.

Ang MIAA, na ngayon ay isang regulator, ay naghihintay pa rin sa pag-apruba ng Governance Commission for GOCCs’ (GCG) sa iminungkahing istruktura ng organisasyon.

Ayon kay head executive assistant Chris Bendijo, humiling ang MIAA ng 1,463 na posisyon ngunit wala umano silang paraan na matukoy iyon ngunit ang GCG ay nangako na pabilisin ang kanilang pagrepaso sa MIAA restructuring plan.

Idinagdag ni Bendijo na bago ang pagsasapribado ng paliparan, ang MIAA ay mayroong 1,984 plantilla posts na inaprubahan ng Department of Budget and Management.

Samantala, sa isang pahayag, sinabi ng MIAA na inaasahan ng gobyerno ang planong pagpapaunlad ng NNIC para sa NAIA.

Ang public-private partnership, aniya, ay magbibigay-daan sa MIAA na mapanatili ang kanilang pokus sa pagtupad sa mga kritikal na tungkulin ng pamahalaan, na tinitiyak na ang pamahalaan ay maaaring patuloy na protektahan ang mga interes nito sa loob ng bansa at internasyonal. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here