Home NATIONWIDE P111-M droga na ikinubli sa painting nasamsam sa NAIA

P111-M droga na ikinubli sa painting nasamsam sa NAIA

TINATAYANG nasa higit P111 milyon halaga ng shabu ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) makaraang mabuking ito sa loob ng isang parsela na nagmula sa bansang Mexico nitong nakaraang buwan ng Setyembre 26.

Ayon sa BOC, ang naturang kontrabando ay naka-consign sa isang recipient sa Bulacan at naharang matapos mapigilan ito sa isinagawang inspeksyon.

Natuklasan ng mga awtoridad ang mga iligal na droga, na nakatago sa loob ng wax at nakatago sa limang hand-made cultural craft paintings, na may kabuuang timbang na 16.34 kilo.

Ayon sa BOC, bagong modus operandi umano ang pamamaraan ng pagpupuslit ng mga iligal na gamot na may halong wax upang maipuslit ito.

Agad na itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang droga para sa karagdagang imbestigasyon, at isinasagawa ang legal na paglilitis laban sa mga sangkot, dahilsa paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Pinuri naman ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang BOC-NAIA sa kanilang mahigpit na pagbabantay kung saan sinabi nito na, “I congratulate BOC-NAIA for this successful operation and their quick response to this novel technique of concealment. The BOC remains relentless in its fight against illegal drugs and shall further heighten its border control measures to adopt to the new methods of smuggling.” Jay Reyes