Home OPINION MAY PANAHON PARA SA LAHAT MAGING SA PAMUMUNO NG PINAS

MAY PANAHON PARA SA LAHAT MAGING SA PAMUMUNO NG PINAS

2
0

HABANG inilarawan ni Vice President Sara Duterte ang kasalukuyang pamahalaan na pinatatakbo ng mala-sindikato sa pagnanakaw ng pera ng bayan, hindi naman nito sinusunggaban ang hamon ng iba na agawin na nito ang kapangyarihan sa pamahalaan.

Lalo’t napakainit ang usapin ngayon na malinaw na pilit na pinagtatakpan ng mga mala-sindikato ang paglitaw ng buong katotohanan sa nakawan, pangunahin sa flood control program na nagkahalaga ng P1.3-P.7 trilyon sa nakalipas na tatlong taon ng administrasyong Marcos.

Matatandaang wala umano sa katwiran na isinara ng paksyon ni Senator Win Gatchalian ang Senado nitong nakaraang Huwebes na dapat sana’y muling magkakaroon ng imbestigasyon sa nakawan at pagpapakita ng saksing 18 dating Marines at sundalo, at maaaring madagdag ang iba pang 14 dating mga sundalo rin, na umano’y saksi rin sa pagdedeliber ng male-maletang perang nakaw para sa mga mala-sindikato ng pamahalaan.

Wala umano sa katwiran dahil mismong Malakanyang ang nangmaliit sa banta umano sa seguridad ng bansa noong Huwebes at maging noong Pambansang Araw ng Kalayaan.

Kabilang sa mga itinuturing na mala-sindikato ang maraming miyembro ng Kongreso at ilang pinakamataas na opisyal sa Malakanyang.

Kung iisipin, malakas talaga ang panawagan para sa pagbabago sa pamahalaan at ituwid na ang mala-sindikatong pamamalakad sa pamahalaan, subalit pinili ni VP Sara ang hindi agarang pang-aagaw ang pamahalaan mula kay Pangulong Bongbong Marcos.

Para sa iba, higit na magandang hakbang ito kaysa madaliang pang-aagaw ng kapangyarihan, lalo na kung iisiping sa kasaysayan ng bansa, mayroon talagang tamang panahon para sa lahat.

Isipin pang, bagama’t ramdam na ramdam ang kagustuhan para sa madaliang pagbabago sa Mindanao at Visayas, ang malaking bahagi ng Luzon ay tila hindi pa handa para rito.

Marahil, magandang paghandaan na lang ang pagdating ng halalang 2028 at dito masusubok ang kagustuhan talaga ng higit na nakararaming taumbayan kung sino ang mga dapat mamuno nang wagas sa buong bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here