Inaresto ng Bureau of Immigration ang 86 na dayuhan—82 Tsino, 3 Malaysian, at 1 Vietnamese—sa isang raid sa hinihinalang scam hub sa Makati noong Abril 10.
Nag-ugat ang operasyon sa isang distress message ng isang Chinese na nagsabing ikinulong sila at pinilit na manloko online.
Lumitaw sa imbestigasyon na ginagamit ng sindikato ang e-commerce at love scams para mandaya ng pera.
Walang naipakitang legal na dokumento ang mga nahuli at ngayon ay naka-detain para sa deportation.
Ayon sa BI, banta sa pambansang seguridad ang ganitong mga operasyon ng ilegal na dayuhan. RNT