Home METRO 86 dayuhan nasakote sa Makati ‘Pogo’

86 dayuhan nasakote sa Makati ‘Pogo’

MANILA, Philippines- Arestado ang 86 dayuhan sa umano’y Philippine offshore gaming operator (Pogo) facility sa Makati City, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Biyernes.

Ayon sa pahayag, sinabi ng police unit na ipinatupad nito ang Bureau of Immigration mission order laban sa isang Chinese national dahil sa umano’y human trafficking sa isang condominium sa kahabaan ng Senator Gil Puyat Avenue nitong Huwebes.

Nadakip ng mga dayuhan ang 82 Chinese, tatlong Vietnamese at isang Malaysian, base sa CIDG.

Kabilang sa mga naaresto ay isang Chinese na kinilalang si “Tran,” nagsisilbing administrative staff sa pasilidad.

“[T]he operation stemmed from a complaint and request for police assistance from a Filipina on behalf of her Chinese friend, who allegedly sent her a distress message seeking help from the Philippine government,” base sa mga awtoridad.

“The Chinese friend alleged that he is illegally detained, held against his will and prohibited from leaving the premises [of] his workplace,” dagdag nito.

Base sa CIDG, nagpapatakbo umano ang Pogo facility ng scams na nagpapanggap na “e-commerce” operation, niloloko ang users upang ibigay nila ang kanilang personal information.

Mahaharap si “Tran”sa criminal complaint sa paglabag sa Republic Act 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.

Inihayag ng CIDG na ang mga dayuhan ay nasa kustodiya na ng BI Fugitive Search Unit para sa dokumentasyon at imbestigasyon sa posibleng paglabag sa iba pang batas at sa Philippine Immigration Act. RNT/SA