MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Tourism (DOT) na nakikinita nito ang mahigit sa 30 milyong domestic at international travelers ngayong Holy Week break.
Inaasahan kasi ng DOT na bibisitahin ng mga turista ang mga popular na destinasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Tiniyak naman ni Tourism Christina Frasco sa publiko na pinagana na ng DOT ang regional operations nito para sa tamang koordinasyon at pangasiwaan ang tourism destinations.
“Overall, we are delighted to note that Filipinos are actively traveling within the country, and our international tourists are enjoying experiential, meaningful and enriching experiences,” ang sinabi ng Kalihim.
“With this, we continue to encourage both international and local travelers to choose DOT-accredited establishments as we prioritize tourist safety and convenience,” dagdag niya.
Binigyang-diin pa nito na ang booking sa DOT-accredited establishments ay pinahihintulutan ang travelers na magkaroon ng standardized experience maliban sa kaligtasan laban sa travel scams.
Makikita naman sa DOT data noong 2024 na ang top destinations sa panahon ng Holy Week o Semana Santa ay kinabibilangan ng Cebu, Bohol, Boracay, Palawan, Siargao, Baguio, Batangas, Ilocos Norte and Sur, Pampanga, Pangasinan, at Puerto Galera.
Ang iba pang umusbong na tourist destinations ay Camiguin, Siquijor, Cagayan de Oro, Davao at Sarangani.
Sa Maynila, ang Intramuros ang nananatiling isa sa ‘most visited heritage’ at ‘faith tourism sites.’
Ang Faith Tourism ay isang mahalagang bahagi ng industriya ng turismo na nabibilang sa special interest tourism.
Ipinagpapalagay na 2.4 milyong bisita ang iwe-welcome ngayong panahon, tumaas sa 2.2 milyon noong 2023 dahil sa cultural attractions at Holy Week traditions gaya ng Visita Iglesia.
“I also just want to remind na active po, and live ‘yung ating Tourist Assistance Call Center. +151-TOUR (151-8687),” ayon kay Frasco.
“And we have already launched the Korean-speaking call center agent. And very recently, we have also already launched the Mandarin-speaking call center agents. So we’ve catered to over 14,000 calls already from 72 countries,” dagdag niya.
Para sa tourism concerns, maaari namang kontakin ng publiko ang DOT sa pamamagitan ng mobile number 0954-253-3215, email sa [email protected], o sa pamamagitan ng official Facebook Messenger. Kris Jose