Home NATIONWIDE 87% Pinoy kumpiyansang makaiwas sa scam, pero 76% takot pa rin —...

87% Pinoy kumpiyansang makaiwas sa scam, pero 76% takot pa rin — survey

2
0

MANILA, Philippines — Mataas ang kumpiyansa ng mga Pilipino na kaya nilang protektahan ang sarili laban sa scam, ngunit nananatili ring mataas ang pangamba nilang mabiktima nito, ayon sa GSMA ASEAN Consumer Scam Report 2026.

Batay sa survey, 87% ng mga Pilipino ang mataas ang tiwala sa kanilang kakayahang umiwas sa scam, pinakamataas sa anim na Southeast Asian markets na sinuri.

Gayunman, 76% din ng Filipino respondents ang nagsabing labis silang nag-aalala na mabiktima ng scam, na pinakamataas din sa mga bansang kabilang sa pag-aaral.

Samantala, 38% lamang ng mga Pilipino ang nagpahayag ng mataas na tiwala sa proteksyong ibinibigay ng gobyerno laban sa scams, habang 65% ang may kamalayan sa government anti-scam programs.

Mas mataas naman ang awareness sa anti-scam initiatives ng telecommunications companies sa 74%.

Lumabas din sa hiwalay na Social Weather Stations survey na umakyat sa record-high na 8% ang mga pamilyang Pilipino na nagsabing nabiktima sila ng cybercrime noong Hunyo 2026, mula 5.8% noong Marso.

Ayon sa GSMA, nananatiling hamon sa Southeast Asia ang scam cases dahil halos kalahati ng mga naiulat na insidente sa rehiyon ay hindi pa nareresolba, na nakaaapekto sa tiwala ng publiko sa digital services. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here