Home NATIONWIDE 114 permanent at plantilla posts inaprubahan ng DBM

114 permanent at plantilla posts inaprubahan ng DBM

MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng 25 permanent positions pra sa Teacher Education Council (TEC) Secretariat sa ilalim ng Department of Education (DepEd) at 89 plantilla position sa National Museum.

Ang mga bagong posisyon ay kabilang sa organizational structure and staffing pattern (OSSP) para sa TEC Secretariat, na inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong May 21.

Ani Pangandaman, ang hakbang ay alinsunod sa Republic Act No. 11713, o Excellence in Teacher Education Act, at tugon sa direktiba ng Pangulo na gumawa ng hakbang para pagtibayin ang kapakanan ng mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tinitiyak naman ng TEC ang probisyon ng de-kalidad na edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa pamamagitan ng pagtatatag ng scholarship program para sa mga ‘deserving students’, pagsusulong ng education degree programs, at itulak ang graduate degree programs para sa mga guro at school leaders at makapagbigay ng isang ‘dynamic, modern, at equitable education system.’

Inaprubahan din ng DBM ang naging kahilingan ng National Museum of the Philippines (NMP) para sa ‘organizational at staffing changes’ kabilang na ang paglikha ng 89 karagdagang permanent positions.

Ang pagpayag ng DBM ay pagkilala sa mahalagang papel ng cultural heritage at kasaysayan sa economic development ng bansa at para tumulong na madagdagan ang operasyon ng National Museum.

“We believe that these organizational and staffing changes will significantly enhance the National Museum’s operations, allowing the agency to better serve the public and fulfill its mission to preserve and promote our cultural heritage,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11333 o National Museum of the Philippines Act, “the NMP is regarded as the primary institution for the management and development of museums and collections of national scope or significance in the areas of arts, cultural heritage, and natural history, to protect, preserve, study, and promote national patrimony.”

“The creation of 89 plantilla positions in various units of the NMP across the country will support the existing staff of the agency, as well as further enhance its operations,” ayon sa departamento.

Ang iba pang organizational modifications na inaprubahan ng DBM ay ang pagbabago sa nomenclature ng nakatitiyak na unit upang malinaw na ipahiwatig ang ‘specific roles, functions, at activities’ nito at maging ang ‘reclassification at conversion’ ng siguradong posisyon para suportahan ang NMP sa pagganap sa mahalagang tungkulin gaya ng pagbibigay ng ‘lectures/gallery talks, paghahanda ng reports at iba pang dokumento, at pagsasagawa ng iba pang technical at general support-related tasks.

Samantala, inaprubahan din ang paglilipat ng ilang posisyon mula sa isang unit tungo sa iba pa.

Nakapaloob naman sa Notice of Organization, Staffing and Compensation Action na ipinalabas ng DBM ang pag-apruba sa ‘organizational at staffing modifications’ ng museum noong May 21, 2024. Kris Jose