Home METRO 9 dayuhan, 2 Pinoy tiklo sa P441M cash sa MCIA

9 dayuhan, 2 Pinoy tiklo sa P441M cash sa MCIA

CEBU CITY- Nadakip ang siyam na dayuhan at dalawang Pilipino matapos mahuling may dalang mga bag na puno ng perang aabot sa halos P500 milyon sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Narekober mula sa kanila ang pitong bag na naglalaman ng mga bundle ng pera. Aabot umano ang kabuuang halaga sa P441 milyon.

Patungo sila sa Manila sa isang chartered flight nang maharang dakong alas-9 ng gabi noong Biyernes.

Nadiskubre ang pera nang isailalim ang kanilang mga bag sa inspeksyon sa X-ray machines.

Dahil dito, agad nakipag-ugnayan ang Aviation Security Unit sa Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7) para sa masusing imbestigasyon.

Hindi pa naglalabas ang pahayag ang PRO-7 ukol dito. RNT/SA